Friday, June 5, 2015

Bundok Banahaw



Ang Bundok Banahaw ay naging saksi sa daang taon ng ating katutubong paniniwala at espirituwalidad. Ang Banahaw ay naging kanlungan ng mga patriyotikong guerillero na lumaban sa mga mapanakop na dayuhang kastila, amerikano, at hapon. Ang Banahaw ay simbolo ng ating kaisahan sa ating kalikasan at kay Bathala...

Sunday, March 15, 2015

Bahaghari

- Puerto Real Quezon -
Ang Pilipino ay tayo
ni Joey Ayala
Pagmasdan ang bahaghari
Supling ng araw at ulan
Kulay niya ay sari-sari
Mga bahagi ng isang kabuoan
 
Tulad nito ang Pilipino
Iba't-iba ang kalinangan
Lahi, tribo, pulo at probinsya
Bahagi lamang ng isang bayan

Ang Pilipino ay tayo
Pinagisa ng kasaysayan

Ang Pilipino ay tayo
Narito ang ating lakas
Sa pagkakaiba-iba
Tahakin ang ating landas
 
Sa pagkakaisa
Ang Pilipino ay tayo