Sunday, February 28, 2016

Kung Hei Fat Choi!




The Chinese New Year is celebrated during the first fifteen days of the Chinese lunar calendar. It is also known as Spring Festival or Lunar New Year. The new year's meal symbolize hope for a prosperous and abundant year. As part of tradition domestic tables are decorated with twelve kinds of round shaped fruits that will bring good fortune to the family. Oranges for wealth. Apples for peace. Tangerines for good fortune.

Sunday, January 3, 2016

Payapa


Agos
Isang tula hango sa Desiderata

Humayo ka nang mahinahon sa gitna ng ingay at tandaang may kapayapaan sa katahimikan. Magkaroon ng mabuting pakikitungo sa kapwa at laging sabihin ang katotohanan nang tahimik at malinaw.

Bukas na makining sa boses ng kapwa, kahit na mahina ang isip at kapos sa pang-unawa; sila’y mayroon ding maisasalaysay. Huwag mong ihahambing ang iyong sarili sa iba, sapagka’t sa iyo ay laging mayroong nakahihigit at nakabababa sa buhay.

Mabuhay ng patas at huwag maging mapaglinlang. Sa kabila ng mga kabiguan, maging tapat sa iyong sarili at manalig sa kapangyarihan ng Pag-ibig sapagkat marami pa rin ang nabubuhay sa tuwid at tamang pamamaraan.

Laging magkaroon ng malasakit sa iyong tungkulin maging ito man ay hamak, sapagkat ito’y isang tunay na pag-aari sa pabago-bagong paggulong ng panahon.

Patibayin ang lakas ng loob sa gitna ng mga pagsubok, huwag mabuhay sa ligalig at pangamba, dahil ikaw ay bahagi ng sansinukob tulad ng mga puno at bituin na may sapat na karapatan sa daigdig.

Mabuhay ng payapa ayon sa kalooban ng Diyos anuman ang pagkikilala mo sa Kanya. Sapagkat sa likod ng unos, ay laging may bagong sibol ng Pag-asa...